Lando Laurente The New 8 Balls Champion 2008

SAPI 8 BALLS TOURNAMENT 2008


 

 

Lando Malupit sa 8 Balls Tournament…..
 
Isang linggo bago ang tournament, sa hindi inaasahang pangyayari,

nabasag ang dulo ng tako (cue stick) ni Lando sa isang practice game.

Dismayado itong manalo pa sa tournament dahil wala siyang

magamit na sariling tako at kapos na sa panahon para bumili pa

at pagsanayang muli ang bagong tako.

Walang ibang choice kundi gumamit na lamang ng ibang tako

sa loob ng Cave Billiard Bar kung saan ginanap ang tournament,

ilang beses ding papalitpalit ng tako dahil hindi naman maga-

ganda ang mga tako sa loob ng Bar.

Unang salang pa lamang tinalo kaagad si lando ni Hanjanson Banaag

sa score na 4-2, at dahil dito, parang unti-unting lumalabo

ng pagkakataong manalo ito sa tournament, lalo na nang

kanyang malaman na ang kanyang makakasagupa sa susunod na game

ay si Ramon Calibara na seeded din sa mga nagdaang tournament.

Ngunit ilang sandali lang tinalo nya ito sa score na 4-0, na siyang

daan para makapasok sa round of 16.

 

Sa round of 16 naman ay tinalo n’ya ang kalabang si Luigi Ballon

sa score na 4-0 din na walang kahirap-hirap, at naging comedy

pa ng tirahin ni Luigi ang bola ni Lando na dapat 8 ball na lang

ang sa kanya, tila lasing ito sa mga oras na yon.

Sa quarter final naman, tinalo ni Lando ang kalabang si

Cesar Gasalatan sa score na 5-0 gaya ng huling dalawang laban

nalasap ng tatlong player ang masaklap na Zero score.

 

Pagdating ng semi-finals, nakasagupa ni Lando si 9 balls

2006 champion Albert Ramos na naging popular na sa lahat.

ngunit tuloy-tuloy pa rin ang swerteng nakaantabay sa kanya,

tinalo nya ito sa score na 5-2 para tuluyan ng lumaro sa final.

 

Sa kabilang banda naman, habang naglalaro pa sina Lando at

Albert, nakaantabay naman si Jeffrey Guerra na siyang makakalaban

ni lando sa final, na parang naaamoy na n’ya ang korona ng

tournament dahil sa isang 6-0 score laban kay 8 balls 2006 champion

Rey Bautista, ganon din ang inaasahan ng lahat ng pinoy na naroroon

sa oras na yon, dahil sa husay na ipinamalas nito sa kanyang

nakakalaban.

 

Nang malaman ni lando na ang gagamiting table ay ang nasa corner,

na ang butas ay hindi standard size, dahil sa liit nito, hindi maganda para

sa kanya ang mga sandaling yon, ganon pa man, lakas loob pa rin itong

lumaban sa final at unang naka score ng 2-0 sa unang dalawang rack.

Dahil hindi inaasan ni Jeffrey ang husay na kanyang nakita sa kanyang

kalaban, nagbago ang tumbok at angking husay nito, hanggang sa sumablay pa

ito ng tatlong beses sa isang rack na napakadaling tira.

Kahit may dalawang rack itong ipinanalo sa pamamagitan ng scratch

At foul ni Lando, hindi pa rin nya nagawang talunin ito sa mga sumunod

pang rack, hanggang sa tuluyang matalo sa score na 8-4, at dito tinanghal si

Lando Laurente bilang champion ng 8 Balls Tournament 2008 ng

SAPI.